crush na naging love, yan ang explaination ni kristina sa kanyang feelings kay "Earl Gonsaliz "ang lalaking kinababaliwan nya . Ang lalaking nakapagpabago nang mga pananaw nya.Isang lalaki na naging dahilan nang mga pangarap nya. Kung meron man? Ang tanging pangarap lang nya ay makasama ang lalaki. 7 years ago una nyang nasilayan niya ang gwapo at mala anghel nitong mukha, ang chinito nitong mga mata at ang labi nitong kay sarap halikan .. nakakapagtulala! Kaya simula nang araw na yon ay ito na ang laman ng mga panaginip niya mapa umaga man o gabi.. Isinusumpa nya sa lahat nang ninuno nya na makakalapit din sya sa lalaki balang araw. Pero ang isang araw ay naging ilang araw ,naging lingo , buwan at taon. Kaya nakapag desisyon na sya ... Ayaw nyang umabot nang dikada or worse century!!! . Kahit anak lang, ok na sa kanya..pero paano kung nakakasira na pala sya nang buhay. Makakaya pa kaya nya? Unang kita nya sa lalaki ay nabuhay na agad ang kanyang pagkababae. That's Weird!